Vice Ganda sa nakanganga na totem pole: "Bunganga ni Anne Curtis O"

Kinaaliwan ngayon sa social media ang vlog ni Vlog Ganda na kung saan nagtrip-sila sa Canada.

Vice sa nakanganga na totem pole: "Bunganga ni Anne Curtis O"

Si Vice Ganda na may tunay na pangalan na Jose Marie Borja Viceral ay isang kilalang comedian, talk show host, television presenter, actor, entrepreneur at singer. Siya ay regular host ng noontime variety show ng ABSCBN na Its Showtime. 

Bumibida narin si Vice sa ilang pelikula at walo sa mga pelikulang niya ang considered to be the highest-grossing in Philippine cinema. 

Sa kanyang vlog, ay nagtrip si Vice sa ibang bansa. Bumisita sila ng kanyang mga kaibigan sa Capilano Suspension Bridge Park, isang nature attraction sa North Vancouver, British Columbia.

Sa kanilang pag-iikot ay nakita nila ang isabg totem pole na nakanganga. Nilapitan nila ito at nagbiro si Vice tungkol sa co-host niya sa Its Showtime na si Anne Curtis.

"Oh my God! Hindi n'yo naman sinabi na kasama natin si Anne Curtis," sey niya habang nilalapitan niya ito

Itinuro pa niya ito at sinabi na: "bunganga ni Anne Curtis o! Sis, hanggang dito naman sa Canada sinusundan mo ko."

Hindi rin nakaligtas si Jhong  Hilario sa tila pang-aasar ni Vice. Nang makarating sila sa bahagi na may maraming puno ay bigla na lamang niyang naalala ito.

"Dapat pala si Jhong ang sinama natin dito para nag-unggoy-unggoyan siya dito," sabi  ni Vice.

Pwede mong panoorin abg video dito:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form