Jennica Garcia ibinahagi ang matinding pinagdaanan sa pagiging isang single mother

Ibinahagi kamakailan ni Jennica Garcia ang matindi niyang pinagdaanan sa kanyang pagiging isang single mother.

Jennica Garcia ibinahagi ang matinding pinagdaanan sa pagiging isang single mother


Sa panayam ng Morning Talk Show ng Kapamilya Network na "Magandang Buhay" ay ibinahagi niya na hindi madali ang maging isang single parent.


(ads)


“Mahirap maging single mom. Kahit naman single dad, it’s difficult to be a single parent, right? Pero kaya pala talaga. Mahirap lang sa umpisa pero eventually kapag nalampasan mo na at kapag nakapag-heal ka na ay super empowering ng feeling,”sabi ni Jennica 


Ibinahagi rin ni Jennica ang pagpapa-theraphy dahil sa matinding pagsubok na kanyang naranasan. 


(ads)


Kwento ng "Dirty Linen" star: “Nu’ng kausap ko kasi ‘yung therapist ko, na-skip ko yata ‘yung grieving stage. ‘Yun ang naging problem. Ang naisip ko kasi parang kailangan kong maging malakas agad kasi affected ‘yung kids, sila ‘yung kasama mo sa bahay.


"Hindi ka rin pwedeng umiyak nang umiyak. Dumating sa point naka-schedule sa doctor kung kailan ako iiyak. Kasi hindi ako nakaiyak ng gusto kong iyak.


“Kunwari kapag tatanungin ako ng doctor ‘ano ang dumurog sa iyo?’ kapag sinabi ko kung ano, hindi na ako maiyak. So ang naging parang therapy ko ay may series of movies na mga sad. Kailangan ko siyang panoorin para maiiyak.


“When I don’t suppress it ang nangyayari kasi ay labas-pasok ako sa ospital. Ang pangit, parang nahihimatay ako,” paliwanag pa niya.


“Ayos na ayos na po talaga ako ngayon. Pakiramadam ko kung tatanungin ako ngayon parang kailan ka pinakamasaya sa buhay mo, pakiramdam ko talaga ay 2023 po.


Maski kapag tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin parang dati iniisip ko parang hindi ako maganda, parang ang daming mali sa akin. Pero ngayon kapag tumitingin ako sa salamin, sinasabi ko pa rin ‘hindi ka maganda, pero cute ka.’ ‘Yung medyo gusto ko na po ang sarili ko ngayon,”


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form