Ogie Diaz nagreact matapos batikusin si Carlo Aquino dahil sa isang clip na kung saan pinapalibutan ng maraming guards ang actor


May prangkang reaksyon si Ogie Diaz matapos makatanggap ng pambabatikos si Carlo Aquino sa isang clip na nagviral na kung saan pinapalibutan ng maraming guards ang actor.


Ogie Diaz nagreact matapos batikusin si Carlo Aquino dahil sa isang clip na kung saan pinapalibutan ng maraming guards ang actor

Si Carlo Aquino ay isang kilalang personalidad sa industriya ng pelikula at telebisyon dito sa Pilipinas. Siya ay itinuturing na isa sa mga natatanging aktor ng kanyang henerasyon. Nagsimula ang kanyang career bilang isang child star at sa paglipas ng mga taon ay napatunayan niya ang kanyang galing at husay sa pag-arte, kahit sa iba't ibang uri ng mga papel na ginampanan niya.


(ads)


Ang pinaka-kilalang papel na ginampanan ni Carlo ay ang papel bilang si  "Jigo" sa klasikong pelikulang "Bata, Bata... Paano Ka Ginawa?" noong 1998. Ginampanan niya ang role na isang anak ng isang feministang ina, na ginampanan ni Vilma Santos. Marami ang humanga sa galing ng actor sa pag-arte sa naturang pelikula. Kaya nakatanggap ang actor ng parangal bilang Best Supporting Actor mula sa Film Academy of the Philippines.


Ngunit nitong mga nakaraan ay isang video clip ang nagviral sa social media. Ang naturang video ay video ng actor na kung saan makikitang pinapalibutan ang actor ng maraming guards.


Umani ng pambabatikos ang nasabing video dahil sa dami ng guards na nakapalibot sa actor kahit wala naman umanong mga fans na sumusunod. Kaya naman sa kanyang showbiz update vlog ay nagbigay ng reaksyon si Ogie Diaz kaugnay sa isyu.


Ipinagtanggol ni Ogie si Carlo laban sa mga basher na bumabatikos sa actor.


"Pinagkaguluhan daw si Carlo Aquino ng mga guwardiya di raw ng mga fans, mas marami raw yung mga gwardiya kaysa yung mga gustong makikamay na fans.


"Akala naman nila e ang laki-laki ng kasalanan ng taong ito sa kanila. kung i-bash nila ng bonggang-bongga.


"Hindi naman natin alam kung sa bahaging 'yun ay wala nang mga fans pero tuloy-tuloy pa rin ang pag-kurdon ng mga gwardiya.


 "Baka galing dun sa ano na maraming tao, na hindi nakunan na dire-diretso dun sa parang secret passage tapos yun ang nakunan na puro gwardiya na yung kasunod," 


Pwede mong panoorin dito ang kabuuang sinabi ni Ogie kaugnay sa isyu.

 
 Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form