Video ni Jimmy Santos na nangangalakal ng karton, lata at bote sa Canada viral

 Mabilis na nagviral sa social media ang video ni Jimmy Santos na kung saan makikitang nangangalakal siya sa Canada.

Video ni Jimmy Santos na nangangalakal sa Canada viral

Si Jimmy Santos ay kilala bilang isang komedyante at pagiging isang TV host. Isa rin siyang dating professional basketball player at sumali sa Philippine Basketball Association (PBA) noong dekada '80 at '90.


Nagkaroon ng malaking kasikatan si Jimmy Santos bilang bahagi ng sikat na noontime show na "Eat Bulaga!" ng GMA Network noong mga dekada '90. Kasama rin siya sa iba't ibang komedya at pelikulang Pinoy. 


Sa kanyang latest vlog sa YouTube, ay ipinakita niya ang kanyang kakaibang experience sa Canada, yun ay ang mangangalakal ng mga karton, lata at bote. 


Kwento ni Jimmy,  hindi umano kada kilo ang bentahan doon, kundi kada piraso. Sinabi rin ni niya na may deposito na sampung sentimo kada lata ang mga binibili sa grocery at naibabalik lang daw ito kapag nagpupunta sila sa nabanggit na “bottle depot” para isauli ang mga lalagyan.


"Ako po ay nandito sa tinatawag nilang ‘South Pointe Bottle Depot.’ Ang ibig sabihin niyan, magbebenta ng mga lata rito, ‘yung mga pinaglalagyan ng mga tubig, softdrinks ay talaga namang dinedeposito dito at binebenta nila,”sabi ni Jimmy 

“May halaga po ito. Ang bawat isa nito may 10 cents na deposito nito. Para sa ganun po, ma-obliga kayo na ibalik ito dito para ma-recycle,”dagdag pa niya 


Si Jimmy mismo ang naglagay ng mga kalakal sa sorting table at makaraang masuri at bilangin ng empleyado ang mga bote, lata at karton ay dumaan ang mga ito sa conveyor system.Matapos ang proseso, nakatanggap si Jimmy ng resibo para i-scan sa cash dispenser.


Natuwa naman ang komedyante at dating Eat Bulaga host nang matanggap ang buong 15 Canadian dollars o P615 at ilang barya.


"Malaking bagay ‘yan kaya ito po ay ibinahagi at ipinakita ko sa inyo ang sistema ng mga nagbebenta ng bote dito,” sabi ni Jimmy


 “Maganda, masaya at kunswelo dahil nakakatulong sa pagre-recycle ang mga ibinenta nating bote, karton, at ‘yung mga nabubulok po na ginagawang fertilizer.” dagdag pa niya 

 
 Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form