Mabilis na nagviral social media ang video kung saan naging emosyonal si Sarah Geronimo habang nagbigay ito ng tribute sa kanyang mga magulang.
Video ni Sarah Geronimo na naiyak habang nagbigay tribute sa kanyang mga magulang viral na |
Kinanta ni Sarah ang kantang pinasikat ni Wency Cornejo na Habang May Buhay sa kanyang 20th-anniversary concert. Ang naturang kanta ay tribute niya para sa kanyang mga magulang.
(ads)
Matatandaan kasi na nagkaroon ng tila hindi pagkakaunawan si Sarah at kanyang inang si Mommy Devine nang ikinasal ang singer kay Matteo noong February 20, 2020. Ayon sa mga report sumugod umano si Mommy Devine sa kasal ng kanyang anak para pigilan ito.
Samantala sa kanyang concert ay inalala niya ang kabutihan ng kanyang ama na nagtraining sa kanya sa pagkanta noong siya'y bata pa.
"Pinapaakyat niya po ako sa lamesita namin at dun po ako nagpe-perform, na ang feeling ko po, yun ang stage ko," sabi ni Sarah . Bukod sa pagkanta ay tinuruan rin siya ng kanyang ama maging matapang lalo na sa mga pagsubok sa buhay.
"Tatay Delfin, mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Para sa yo Tay. I love you, Daddy"sabi ni Sarah at naiyak na ito habang kumakanta
Samantala habang kumakanta ay makikita sa screen ang mga throwback na larawan ni Sarah kasama ang kanyang mga magulang.
"Love you, Ma. Love you, Daddy," sabi ni Sarah pagkatapos niyang kinata ang Habang May Buhay.
Panoorin dito:
@alfritz10 TRIBUTE PARA SA PARENTS NI SARAH!!!! naiyak ako dito promise #sarahgeronimo #20thconcert #foreverwithsarahG #soloconcert #sarahG ♬ original sound - Alfritz
@alfritz10 TRIBUTE PARA SA PARENTS NI SARAH!!!! naiyak ako dito promise #sarahgeronimo #20thconcert #foreverwithsarahG #soloconcert #sarahG ♬ original sound - Alfritz