Ibinahagi ni Xyriel Manabat ang hindi magandang epekto sa kanya dahil sa mga 'bastos' na komento sa kanyang mga larawan.
Xyriel Manabat ibinahagi ang hindi magandang epekto sa mga "bastos" na komento sa kanyang mga larawan |
Si Xyriel Manabat na may tunay na pangalan na Xyriel Anne Bustamante Manabat ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol noong taong 2009 kung saan tinanghal siyang 3rd placer.
Lalong nakilala si Xyriel dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Agua Bendita, Momay at 100 Days To Heaven. At ngayon isa siya sa mga cast ng hit series ng kapamilya network na 'Dirty Linen'.
Base sa artikulo ng Pep.ph ay inalala ni Xyriel ang kanyang pinagdaanan matapos umani ng samut-saring reaksyon ang kanyang mga larawan na ipinost niya noong 2020.
Ayon kay Xyriel naapektuhan raw ang kanyang mental state at umabot na rin daw sa point ng usaping legal. Hindi kasi kaaya-aya ang mga komento ng mga netizens gaya na lamang ng "b*ld star, sobrang laki ng b**bs, kam**yak-m**yak.”
“Ginagamit nila yung picture ko. Tapos ie-edit nila na parang nakahawak sila sa private part ko, ganon. And minsan yung mga comment dun parang bina-validate na, ‘E, kasi ganyan naman ang suot, e. E, dyina-justify na, ‘E, ka**nyak-m**yak naman kasi talaga, e." sabi ni Xyriel
Sabi pa ni Xyriel: "Maaapektuhan at maaapektuhan po ako kasi hindi lang po iyon pagko-comment o pagba-bash. Binabastos po nila ako and ino-objectify. Sine-s**ual assault nila ako in a way. Hindi po yon dapat pinapalagpas. Na-overcame ko po siya. Gumawa po kami ng legal action and nag-therapy po ako sa mga ganun kong nababasa and nakikita. Kasi kailangan kong i-prioritize ang mental health ko, kasi hindi po talaga helpful ang ganong nakikita ko.”