Ice Seguerra sa Kissing Scene nila ni Romnick Sarmenta: "Hindi nga ako nag-tootbrush bago ko gawin ‘yun, eh!"


Nagsalita na si Ice Seguerra kaugnay sa kissing scene nila ni Romnick Sarmenta para sa kanilang pelikula.

Ice Seguerra sa Kissing Scene nila ni Romnick Sarmenta: "Hindi nga ako nag-tootbrush bago ko gawin ‘yun, eh!"


Nagkaroon ng kissing ang comeback acting project ni Ice Seguerra na "Drag You & Me" na kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Jam, ang transman na asawa ni Romnick na isa namang drag queen. Sila ang parents ng karakter ni Andrea Brillantes sa serye.


(ads)


Ang basabing serye ay napapanood na ngayon sa iWantTFC na pinagbibidahan din nina Andrea Brillantes, Christian Bables at JC Alcantara.


Nang tanungin siya tungkol sa naging kissing nila ni Romnick ay sinabi ni Ice na: 

“Hindi ako nahirapan paghandaan because I play a character, I’m an actor I play character. And sa serye namin na ‘yun, asawa ko siya si Romnick, so hindi siya mahirap mapababae yan lalake o ano pa man if its required with my character to do such thing and of course, asawa ko nga siya showing love, I will do it,” 


(ads)


Ibinahagi rin ni Ice na umanoy hindi na nga raw siya nagto-toothbrush bago nila iyon gawin: "Anong paghahanda (ang ginawa ko)? Wala, ni hindi nga ako nag tootbrush bago ko gawin ‘yun eh. As is where is,”


Ibinahagi rin ni Ice na hindi siya nakapag-paalam sa kanyang asawa si Liza Dino. Sinabihan raw niya pagkatapos na ng kanilang scene ngunit inaasar raw siya nito. 


"Although hindi ko naipaalam sa asawa ko, nasabi ko sa kanya noong tapos na.Sabi ko sa kanya ‘Ay oo nga pala love, may kissing scene kami ni Kuya Romnick, pero inaasar niya ako sabi niya ‘Wow grabe kumi-kissing scene ka na talaga. Sabi ko, ‘Tiigilan mo nga ako, mas grabe ‘yung mga eksena mo ha. So wala naman. Walang issue kay Liza because she’s a very good actress as well. And she knows it’s part of our job at safe siya kay Romnick,”


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form