Ito nga ba ang "patutsada" ni Vice Ganda sa gitna ng isyu ng SB19?


Usap-usapan ngayon sa social media ang tila "patutsada" ni Vice Ganda sa gitna ng isyu na may kinalaman sa kantang Gento ng PPOP group na SB19.

📷 Its Showtime


Matatandaan na nagsimula ang isyung ito nang magrequest ang isang contestant sa Its Showtime na sumayaw ng "Gento" ang hit song ng SB19 ngunit ayon kay Vice ay bawal raw dahil naniningil na raw ang mga ito.


(ads)


"Bawal na daw"Naniningil na sila."sabi ni Vice at humirit naman si Anne na: "Ay talaga? May ganoon pala. Hindi ba good promo yan for the industry. Sayang," 


Dahil dito ay agad nag-react ang mga miyembro ng Ati'n na sinabing dahil sa sinabi nina Vice at Anne ay nagmumukhang pera ang boy band.



"Walang sinabing masama? vice and anne are artist as well, alam nila yug performance royalty na tinatawag, mali ung magkakasabi nila."


(ads)


"Nagmukhang pera po ang SB19 at ngayon na bash sila. Sinabing naniningil eh samantalang karapatan po ng mga artist yan."


"Yng cnabing "BAWAL NA NAG PAPABAYAD NA SILA” at “BKIT MAY BAYAD” negative impact po ung Para sa SB19 Lalo Na sa mga viewers walang alam sa pnaguusapan."


Samantala sa June 12 episode ng Its Showtime ay tila nagsalita na si Vice kaugnay sa isyu. Sa kumakalat na clip na ibinahagi ng twitter user na @VICEXANNE ay isa sa mga natanong ang tungkol sa kaibigan na nagyayakapan.


 “Namimiss ang isa’t-isa, natatakot, nagse-celebrate, o na-bash silang dalawa?” natatawang tanong ni  Vice habang natawa  rin si Anne na co-host niya sa Isip Bata Segment. 

Sa isa pang clip na ibinahagi ng twitter user na @altcristyfermin ay nabanggit naman ni Vice ang tungkol sa paniningil ng bayad. “Oh tapos anak singilin mo anak singilin mo.” 


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form