Karla Estrada nagsorry sa Philippine Army matapos siyang gumamit ng "'NPA Anthem" sa kanyang post


Humingi ng paumanhin si Karla Estrada sa Philippine Army at sa mga taong nasaktan ng gumamit siya ng Anthem ng National Peoples Army(NPA) sa kanyang post nang inanunsyo niyang magtrain siya bilang isang reservist.

Karla Estrada nagsorry sa Philippine Army matapos  siya gumamit ng "'NPA Anthem" sa kanyang post

Ayon kay Karla, hindi raw siya aware na sa NPA pala ang song na iyon na background music sa kanyang reel video post.


(ads)


“Magandang Araw po sa inyong lahat. Ang mensahe ko pong ito ay patungkol sa musikang nakalapat sa isa sa aking video reel na ipinost ko sa aking social media accounts tungkol sa aking intensyon na maging isang Philippine Army Reservist. "panimula ni Karla sa kanyang post


"Ako po ay hindi aware na ang nasabing musika na nailapat sa aking video reel ay isa palang awitin na tumutukoy sa isang grupo na may paniniwalang salungat sa pamahalaan. "sabi pa niya


Kaya taos pusong nagsorry si Karla sa Philippine Army at sa mga taong nasaktan sa ginamit niyang song.


"Ako po ay taos pusong humihingi ng paumanhin sa Philippine Army at sa lahat ng taong nasaktan o naapektuhan ng nasabing video reel. Hindi ko po sinadya o intensyon na ilapat sa aking video ang nasabing musika at wala din po sa aking kamalayan kung ano ang kinakatawan o mensaheng nilalaman nito."sabi niya


Sabi pa ni Karla, layunin raw niya kaya siya ay gustong maging reservist ay para makapaglingkod sa bayan.


"Nais ko pong ipabatid sa lahat na ang tanging layunin ng aking pagpapalista sa hanay ng  Philippine Army bilang Reservist ay upang makapaglingkod sa bawat Pilipino at sa bansang Pilipinas sa abot ng aking kakayanan."sabi ni Karla


"Muli, humihingi po ako ng paumanhin. Salamat po."dagdag pa niya 

Karla Estrada Facebook 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form