Kim Atienza, Paolo Contis diumanoy bahagi ng mga bagong host ng Eat Bulaga


Magiging bahagi diumano bilang mga bagong host ng Eat Bulaga sina Paolo Contis at Kuya Kim Atienza.

Kim Atienza, Paolo Contis diumanoy bahagi ng mga bagong host ng Eat Bulaga


Ito ang ibinunyag ng source ng showbiz columnist ng Abante na si Jun Lalin. Kabilang pa umano sa mga host ng nasabing show sina Betong, Buboy Villar at Alexa Miro. 


(ads)


Tuwing Sabado lang umano ang dating Its Showtime host na si Kuya Kim dahil mula Lunes hanggang Biyernes ay nasa ‘TiktoClock’ ito.


Ayon pa sa source ni Lalin, simula raw ngayong lunes ay magla-live na ang Eat Bulaga. Bukod pa sa mga nabanggit na pangalan sa itaas ay may iba pa umanong host na papasok. 


Matatandaang kamakailan lang ay nilisan na ng TVJ at iba pang host ang TAPE. Bukod sa TVJ, kumalas na rin sina Ryzza Mae Dizon, Maine Mendoza, Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Wally Bayola, Ryan Agoncillo at Allan K. 


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form