Latest vlog ni Marjorie Barretto kung saan special guest niya si Gerald Anderson viral


Kinagigiliwan ngayon ng maraming netizens ang latest vlog ni Marjorie Barretto na kung saan guest niya ang boyfriend ng anak si Julia Barretto na si Gerald Anderson.

Latest vlog ni Marjorie Barretto kung saan guest niya si Gerald Anderson kinagigiliwan

Sa nasabing vlog ay isa sa kanilang napag-usapan ang tungkol sa unang pagkakilala ni Marjorie sa actor. Isa raw sa ginawa ni Gerald na tumatak sa kanya ay yung lumapit ito sa kanya para bumati.


(ads)


"Many years ago, bagong bagong artista ka pa lang. As a matter of fact hindi ka pa yata artista. I was in ABS-CBN tapos yung part pa nung radio station ha? So hinihintay ko yung sundo ko. I don't know what I was doing in ABS-CBN kasi hindi naman na ako masyadong active nun as an artista. And I'm sure nanggaling kang Gensan so hindi mo rin ako masyadong kilala. Alam mo lang siguro na siguro dating artista."sabi ni Marjorie 


Pagka-uwi niya ay pinagyabang raw niya ang actor sa kanyang mga anak.


"Pag-uwi ko, niyayabang ko sa mga bata yun. Niyayabang ko yun. "Alam nyo si Gerald bumati, ganyan. Kasi gusto kong maintindihan ng mga anak ko yung difference ng bumabati"sabi ni Marjorie 


Samantala sinabi rin ni Marjorie na magiging isang mabuting ama raw si Gerald sa mga magiging anak nito dahil magaling umano ito sa mga bata.


"Alam mo Ge, you will be a good father when the time comes kasi magaling ka sa bata, alam mo ba yun?" sabi ni Marjorie 


Ilan pa sa kanilang napag-usapan ay ang tungkol sa relasyon ni Gerald at girlfriend nitong si Julia. 


Pwede mong panoorin ang video dito:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form