Lolit Solis ibinida ang natanggap niyang gift mula kay Kris Aquino

Ibinida ng Entertainment Columnist na si Lolit Solis ang regalong natanggap niya mula kay Kris Aquino.

Lolit Solis ibinida ang natanggap niyang gift mula kay Kris Aquino


Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi ni Lolit ang larawan ng ipinadalang regalo ni Kris Aquino sa kanya. Hindi na niya idenetalye kung ano ang laman nito.


(ads)


Pinasalamatan at hinangaan din niya si Kris dahil sa kabutihan nito.


“Talagang kahit love/hate kami ni Kris Aquino mas matimbang parin ang love dahil hangga ngayon basta special occasions impossible talagang hindi ka niya maalala. Kaya kahit ano sabihin hindi mo talaga puwede itakwil si Kris Aquino dahil tutoong sweet at caring siya.


"Impulsive at kung minsan tackless, pero wala siyang mean bone. Never siyang nag wish ng masama sa kapwa niya, at kung ano ang feeling niya sa iyo ipinapakita niya at wala siyang kaplastikan sa katawan. Civil siya kundi niya gusto ang tao, pero never niya itong ipa plastic na kunwari gusto niya. 


"May pagka possessive at selosa, pero never naging selfish. Kaya nga masarap siya kausap dahil freely mabibigay mo ang opinyon mo. Napakadali pa paligayahin ni Kris dahil mababaw lang mga gusto niya. At napaka generous niya sa mga kaibigan niya. 


"Sana nga pray ko makita na niya ang happiness sa isang partner sa buhay dahil ito lang ang kailangan para maging kumpleto ang buhay niya,” sabi ni Lolit sa kanyang post


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form