Naghain na ng petition ang komedyanteng si Pokwang sa Bureau of Immigration para ipa-deport ang dating live-in partner niyang si Lee O'Brian.
📸: Lee O'Brian, MJ Felipe |
Kasama ni Pokwang ang abogadong si Ralph Calinisan nang magtungo sa Bureau of Immigration sa Intramuros, Manila, para ihain ang petition for deportation.
(ads)
Ayon sa abogado ni Pokwang na si Calinisan, walang working permit si O'Brian.
"Kailangan nating mabigyan ng leksyon ‘yung mga taong nang-aabuso sa batas natin, sa karapatan ng bawat babae, bawat nanay," sabi ni Pokwang.
Samantala noong Marso, ay nakipagkita si Pokwang kay Calinisan may kaugnayan rin sa kanyang anak na si Malia.
“Hindi ako susuko para sayo anak @malia_obrian kung naitaguyod ko si ate ng mag-isa mas lalo ako magsisipag at magiging matapang para sayo at sa inyo ng ate mo,” sabi ni Pokwang sa kanyang caption gamit ang hashtag #tuloylanglabanparasakinabukasan
Matatandaan na noong November 2021 ay kumpirmadong hiwalay na ang dalawa ngunit sa mga oras na iyon ay sinabi ng komedyante na umanoy in good terms sila nang silay maghiwalay.
Sina Pokwang at O'Brian ay unang magkita ng magkatrabaho sila sa TFC movie na "Edsa Woolworth" at nagsimula ang kanilang relasyon noong 2015.
The two met while working on the TFC movie "Edsa Woolworth" and started their relationship in 2015.