Vice Ganda sobrang proud kay Jhong Hilario na nakagraduate ng college


Sobrang proud ang Its Showtime host na si Vice Ganda sa co-host niyang si Jhong Hilario na gumraduate ng college kamakailan lang.

📷 Jhong Hilario Instagram/ Its Showtime Youtube

Matatandaan na sa aming nakaraang artikulo, ay aming naibahagi ang pag-graduate ni Jhong bilang "magna cum laude" sa kursong Bachelor of Arts in Political Science sa Arellano University. 


(ads)


Ayon kay Jhong ito raw ang bayad niya sa kanyang mga magulang.


"Ito yung bayad ko sa utang ko sa mga magulang ko. Lahat ng parents, ang gusto ay makapagtapos sa pag aaral ang anak nila. Lahat ginagawa nila––nagtratrabaho sila ng marangal para makapagaral ng mga anak. Ito na yun, kahit na late na at the age of 46, at least buhay pa parents ko,”


May mensahe rin si Jhong sa mga gustong makapagtapos tapos ngunit medyo may edad na.


"Sa lahat ng gustong makapagtapos ng pag aaral kahit late na katulad ko. Meron talagang pagkakataon, paraan para gawin ito kahit sobrang busy tayo––time management lang. For me, napakaiksi ng buhay para walang gawin,”"sey ng actor 


Samantala sa isang episode ng Its Showtime ay sobrang proud si Vice sa bagong achievement ng kanyang co-host maging ang kanilang mga co-host ay sobrang proud din sa actor. 


Pwede mong panoorin dito ang video:

 
 Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form