Mabilis na nagviral sa social media ang video kung saan nakalabas na si Awra Briguela mula sa Makati Police Station ngayong araw July 1.
Screen mula sa twitter: GMA Integrated News |
Matatandaan na nagviral kamakailan lang ang mga video kung saan nasangkot si Aura sa rambulan na nauwi sa pag-aresto sa kanya.
(ads)
Sinampahan si Aura ng mga reklamong physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority, at direct assault.
Samantala sa video na ibinahagi ng GMA Integrated News sa twitter ay makikita si Awra na nakalabas na mula sa Makati Police Station.
Sa nasabing video ay makikitang nakasuot si Awra ng hoddie jacket at inalalayan siya ng dalawang lalaki papunta sa van na naghihintay sa labas.
Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag si Awra kaugnay sa nangyari ng tanungin siya ng mga news team.
Ayon sa report ng ABSCBN news, nagpiyansa umano si Awra sa halagang 6,000 base sa release order.
JUST IN: Aktres na si Awra Briguela na nasangkot sa kaguluhan sa isang bar sa Poblacion, Makati, nakalabas na ng Makati Police Station.@dzbb @dzbbsamnielsen pic.twitter.com/w1MWEvDUJY
— GMA Integrated News (@gmanews) July 1, 2023
JUST IN: Awra Briguela was released from Makati Custodial jail on Saturday, at around 9:20 pm, Southern Police District reported. Awra posted bail amounting to P6,000 as per release order. | via @annacerezo_ pic.twitter.com/OBHMmNCWPB
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) July 1, 2023