Imbis na pabayarin o di kaya ay magalit, pinatawad ng actor na si Jerald Napoloes ang driver ng isang truck na nakabangga sa kanyang sinasakyang SUV.
Imbes na pabayarin, Jerald pinatawad ang driver na nakabangga sa kanyang sasakyan |
Ibinahagi niya sa kanyang facebook ang video kung paano niya pinatawad at pinagsabihan ang driver na nakabangga sa kanya.
(ads)
"A problem won’t be solved by another problem."sabi ni Jerald
Narito ang buong post ni Jerald:
"Katatapos ko lang manuod ng Gilas Pilipinas vs Dominican Republic sa FIBA World Cup opening. Masaya ang experience kahit hindi tayo nanalo sa game. pauwi na ako sa amin nang biglang na aksidente pa at nasuyod / bangga ng truck. Umangat bumper ko, basically nauuna na ako pero ipinasok pa niya sa lane ang truck kaya pa-angat ang wasak ng bumper ko. hindi na ako naka andar kasi tuloy tuloy ang truck. Halos patawid na siya na parang walang tinamaan. May kasama siya sa passenger seat niya sa side ko na parang dedma lang. Hinarang ko ang truck para kausapin sa nangyari kasi parang uunahan na niya ako. Pinababa ko si kuya at eto nasa video ang usapan namin.
(ads)
"Sa madaling salita, alam ko naman na ang tanging solusyon sa bangga ay ipaayos.. kung irereklamo ko naman at ipipilit ko ang kakayanan at pagbayarin si kuya driver siguradong ikakaltas pa sa sahod niya ’to.. imbes na solusyon, dagdag problema pa ang mangyayari… magiging komplikado pa sa pag aayos at paghahabol para mapanagutan niya.. bilang ako ang mas may kakayanang pinansyal, hindi ko na kinumplika.. pinagsabihan ko na lang siya na sa susunod ay mag iingat. dahil pareho kame mapalad na ganito lang ang nangyari. Gaya ng sinabi ko sa video.. kadalasan hindi gaya ko na palalampasin lang ang ganitong aksidente ang makakasalamuha niya.
"Kuya Ranzy mag ingat at sana ito na ang huli mong disgrasya. pagpalain ka nawa at ang iyong pamilya. Magsilbing aral ito sayo at sa akin na rin. Laging panaigin ang tamang katwiran pero nang hindi makaka argabyado nang kapwa. Malaki ang bangga pero lamang ang kasiyahan sa buong araw. Dun na lang ako mag fofocus. Sana masarap pa rin ang gising at ulam ng pamilya mo bukas kuya Ranzy."
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.