Kim Chiu di mapigilang mapigilang maiyak sa kwento ng buhay ng isang 5 taong gulang na Mini-Miss U contestant


Di mapigilang tumulo ang luha ni Kim Chiu sa kwento ng buhay ng isang 5 year old Mini Miss U contestant.

Kim Chiu di mapigilang mapigilang maiyak sa kwento ng buhay ng isang 5 taong gulang na Mini-Miss U contestant 


Ang nasabing contestant na may pangalan na Rain na nakatira sa sementeryo ay nagpahayag ng pagmamahal sa kanyang pamilya sa kabila ng kanilang sitwasyon. 


(ads)


Tinanong si Rain ni Kim kung di ba raw siya natakot kahit nakatira sila sa loob ng sementeryo.  


"Hindi po, kasi ang mahalaga kasama ko 'yung mommy ko at daddy ko at kuya ko. Ayun lang po ang gusto ko,” sagot ni Rain sa tanong ni Kim 


Kaya naman napahanga si Tyang Amy sa naging sagot ni Rain dahil sa pag-intindi nito sa sitwasyon ng kanyang pamilya. 


"Saka, Tiyang, naiiyak si Rain. Bakit ka naiiyak?"sabi ni Kim at direstahang sagot ni Rain na naawa umano siya sa kanyang mga magulang: “Naaawa po ako sa mommy ko at sa daddy ko po.”  


Sabi pa ni Rain ng tanungin siya kung bakit niya iyon nasabi: "Ang bait po ni mommy at daddy sa akin. Saka po inaalagaan po nila 'kong mabuti.”  


Tapat din na inanim ni Rain ang trabaho ng kanyang mga magulang: "Si mommy po, naglalaba. Yung daddy ko po, naghahalo ng semento,” 


Naging emosyonal din si Rain habang nagbigay siya ng mensahe sa kanyang mga magulang: "Mommy, I love you... I love you din, Daddy" 


Nahagip naman sa camera si Kim na naiyak dahil sa kwento ng nasabing contestant. Kaya tinanong si Kim ni Rain na : "Bakit ka nalulungkot sa mga sinasabi ko?” 


Paliwanang ni Kim: Hindi ako nalulungkot, nata-touch lang ako sa kwento mo. Saka gusto ko yung pananaw mo sa buhay na 5 years old ka pa lang, alam mo na kung ano yung ginagawa ng mga magulang mo na nakakabuti para sa'yo. Dapat hanggang paglaki mo ganyan ha. Grateful lagi ha,” 


Pwede mong panoorin dito ang video:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form