Tapat na inamin ni Lovi Poe na walang script ang viral na kissing scene nila ni Coco Martin sa Kapamilya Series na Batang Quiapo.
Lovi Poe tapat na inaming walang script ang viral kissing scene nila ni Coco Martin |
Si Lovie Poe ay gumanap bilang Mokang sa nasabing teleserye. Siya ang love interest ng bida sa Batang Quiapo na si Coco Martin na gumanap naman bilang si Tanggol.
(ads)
Kamakailan ay nagviral eksena nina Coco at Lovi sa nasabing teleserye kung saan nagkaroon sila ng kissing scene.
Ibinunyag ni Lovi na ang naturang eksena ay walang script. Ibinahagi niya ito sa kanyang post sa instagram stories.
"Coco and I have been doing free flow scenes... meaning... no script. Wherever your heart leads you... do it. And so at this very moment... I felt like kissing him. It was their first... but sad kiss. My #Monggol is weeping #fpjbatangquiapo," sabi ni Lovi
Sa ngayon ay patuloy parin na sinubaybayan ng mga manonood ang nasabing teleserye.
Screengrab from lovipoe instagram stories via Lionheart TV |