Isa ng co-facilitator ang dating childstar na si Jiro Manio sa isang rehabilitation center sa Bataan.
Dating Childstar Jiro Manio isa ng co-facilitator sa kung saan siya ni-rehab noon |
Naibahagi ito ni Jiro sa panayam kay Julius Babao sa youtube channel nito. Sa naturang panayam na kung saan personal siya na binisita ng broadcaster ay ibinahagi nito kung ano ang pinagka-abalahan niya ngayon sa DOH Treatment and Rehabilitation center sa Bataan.
Ayon pa kay Jiro, doon umano siya dinala noong siya ay nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Sa mga hindi nakaka-alam noong 2020 ay nasangkot sa isang away si Jiro na kung saan nakasuhan siya ng frustrated homicidë.
Dahil sa nangyari ay nakapagdisesyon umano siya na magbalik sa naturang rehab at magtrabaho bilang isang co-facilitator.
Samantala nai-bahagi rin ni Jiro ang epekto ng pinagbabawal na gamot sa kanya.
"Nagkaroon ng konting hindi pagkakaintindihan sa bahay namin. 'Yun po yung maraming balita po 'yun na gumamit ako ulit. tapos, yung epekto ng drύgs tumama sa functions ko. Hindi ko maisipan, bakit ba ako nandito, Hindi e, wala e. yun ang trip ko. Lumalaban yung epekto ng drύgs. Para pong lason. 'Yun ang naging epekto sa'kin," kwento niya
Narito ang kabuuang panayam:
Si Jiro Manio ay isang dating child actor sa Pilipinas na kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga pelikulang Filipino. Siya ay nakilala noong 2005 dahil sa kanyang pagganap bilang isang bata sa pelikulang "Magnifico," kung saan siya nagwagi ng maraming parangal.
Gayunpaman, sa mga sumunod na taon, napag-alaman na may mga personal na laban si Jiro, kasama na ang problema sa dröga at kalusugan. Ito ay nagdulot ng kontrobersiya at pag-aalala mula sa publiko.
Sa kabila ng kanyang mga pagsubok, muling bumangon si Jiro Manio at nagsisikap na maging mas mabuting tao. Ang kanyang kuwento ay nagpapakita ng pag-asa at pagbabagong buhay.