Nagreact narin sa wakas si Jodi Sta. Maria matapos ipinost ni Iwa Moto ang video ng pag-akyat sa gate ni Thirdy kamakailan lang.
Jodi Sta. Maria nagreact matapos ipinost ni Iwa Moto ang video ng pag-akyat ni Thirdy sa kanilang gate |
Ayon kay Jodi walang raw malisya ang pagpo-post ni Iwa Moto sa video ng anak niyang si Thirdy Lacson na umakyat sa kanilang gate.
(ads)
"Aileen (Iwa) and I are friends. So, ayokong masamain 'yung pagpo-post. I believe na nai-post niya 'yon because she found it siguro cute and funny ganyan. Naniniwala ako na wala naman siyang masamang intensyon para do'n sa post na 'yon," ani Jodi sa isang interview.
Para sa kanya, pampa-good vibes ang video ni Thirdy.
"Siguro parang naiisip lang niya (Iwa) kasi andaming makaka-relate. Aminin man natin o hindi, at one point, nasaraduhan tayo ng gate, napag-lock-an tayo ng pinto na hindi natin alam kung anong gagawin natin. So, 'yun lang 'yung akin do'n, pero hindi ko siya minamasama," dagdag ni Jody.