Wala umanong katuturan ang mga pelikula ng komedyanteng si Vice Ganda ayon sa abogadong si Ferdinand Topacio.
Movies ni Vice Ganda wala raw katuturan ayon kay Topacio |
Ibinunyag kasi ni Topacio sa isang press conference na marami umanong gagawing pelikula ang kanyang production company na Borracho Films sa tulong ng mga foreign backers.
(ads)
Ngunit aniya, mahirap na umano gumawa ng pelikula dito sa Pilipinas dahil sa ilang mga factors.
"Gumastos kami ng 33 million para sa 'Mamasapano.' Ang hirap bawiin because of the climate of the local film industry. Dominated kasi 'yung local industry ng foreign films. Yon ang number one," paliwanag niya.
"Number two, 'yung mga movies na walang katuturan. Katulad ng mga movies ni Vice Ganda. 'Yon ang namamayagpag e," dagdag ng abogado.
"To be candid, ano ba ang naitutulong ng mga pelikulang iyon sa pagtaas ng antas ng pelikulang Pilipino? Wala naman e!" hirit pa ni Topacio.
Sa ngayon ay wala pang sagot ang kampo ni Vice Ganda kaugnay sa naging pahayag ni Topacio.