Bandang Kamikazee pinalayas ng Sorsogon Governor: "Bayad 'yun kaso may mga attitude"


Pinauwi ni Sorsogon Governor Buboy Hamor ang bandang Kamikazee dahil sa umanoy pagiging ma-attitude.

Bandang Kamikazee pinalayas ng Sorsogon Governor: "Bayad 'yun kaso may mga attitude"

Sa video na kumakalat ngayon sa social media, ay umakyat sa stage si Gov. Hamor para ianunsyo na hindi na makakapag-perform ang nasabing banda. 


(ads)


Kasama sana ng nasabing banda na magperform sa Kasanggayahan Festival sa Sorsogon ang mga bandang Imago at I belong to the Zoo. 


Peru dahil sa pagiging ma-attitude raw nit ay pinauwi nalang ni Hamor ang naturang banda. 


(ads)


“Hihingi ako ng paumanhin, hindi na matutuloy ang Kamikazee. Wala tayong magagawa, bayad 'yun kaso may mga attitude,” sabi ni Hamor 


Ibinunyag rin nito na hindi na makapag-stay sa kanilang hotel na Recidencia Del Hamor ang nasabing banda at pinadiretso na raw niya ito sa airport matapos ang insedente. 


"Hindi na ‘yun makakabalik sa Sorsogon… Hindi tayo puwedeng bastusin na mga taga Sorsogon,” sabi pa nito 


Narito ang video:


Sa makulay at makabuluhang mundo ng musikang Pilipino, isa sa mga pumukaw ng diwa ng kabataan at nagtampok ng tunay na punk rock ay ang banda ng Kamikazee. Itinatag noong 2000, naging pambansang alon ng rock ang kanilang mga kantang puno ng enerhiya at pagmamahal sa musika. Kasama sa kanilang mga hit ang "Narda" at "Huling Sayaw," nagtagumpay sila sa bansa at sa ibayong dagat. 


Bukod sa kanilang kakaibang estilo, tanyag din ang grupo sa kanilang live performances na puno ng kalokohan at kakaibang kostyum. Sa kabila ng mga pagbabago sa industriya, nananatili ang Kamikazee bilang simbolo ng OPM punk, patuloy na pinapalakas ang kanilang legasiya sa musika.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form