Binasag narin sa wakas ni Baron Geisler ang kanyang katahimikan kaugnay sa isyu na umanoy natatakot sa kanya ang kanyang mga co-star sa Senior High.
Photo Courtesy: ABSCBN Entertainment/Baron Geisler(Instagram) |
Matatandaang na sa vlog ni Ogie Diaz ay isiniwalat niya ang sinabi umano ng kanyang source na umanoy nagdadala ng alak si Baron sa tumbler nito. Hindi tuloy maiwasang matakot ng mga batang kasama niya sa teleserye kapag nagkakaroon na ito ng amats.
(ads)
Sa hiwalay niyang vlog ay hinamon ni Ogie ang actor na patunayan kung totoo ngang nagbago na ito. "Challenge 'to kay Baron Geisler. na patunayan niya na siya ay totoong nagbago na. Dahil ito pag natapos ito, dahil ang alam ko ang Senior High ay hanggang week 10. 'Pag pinatunayan niya na tuloy-tuloy na ang kanyang pagbabago e di sorry, mali ako, mali 'yung source ko." sabi ni Ogie sa kanyang vlog
Kaya naman ay sinagoy ni Baron ang post ng isang online news site sa twitter na may headline na "Baron Geisler, feared by ‘Senior High’ cast when drinking?".
Ayon kay Baron ang naturabg balita ay isang "Click bait fake news".
Si Baron Geisler ay kilalang aktor sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang noong June 5, 1982, sa Clark Air Base, Pampanga, nagpakita siya ng kahusayan sa pag-arte mula nang siya'y magsimula sa kanyang karera. Isa siyang mahusay na karakter aktor, kung saan kanyang nailabas ang iba't ibang mga papel sa mga telebisyon at pelikulang proyekto. Ngunit, may mga kontrobersya rin sa kanyang buhay, kabilang ang mga aksyong nauugma sa kanyang personalidad. Sa kabila nito, patuloy siyang nagtatrabaho at nagpapakitang may potensyal na maging isang mahusay na aktor.Click bait fake news https://t.co/jkIXQVBdTs
— Baron Geisler (@baron_geisler) October 20, 2023