Tapat na inamin ng actress na si Jennica Garcia na nakaramdam siya ng insecurity sa pagbabalik niya sa showbiz.
Photo Courtesy on Youtube: Behind The Scene With Ynna |
Ito umano ang unang pagkakataon na nagiging insecure siya dahil feeling umano niya ay marami siyang nakikitang mali sa kanyang sarili. Noong kasing hindi pa siya bumalik sa showbiz ay namimili siya suot ang t-shirt ng ex niya kaya hindi pantay ang kulay ng kanyang braso.
(ads)
Kaya nang bumalik na siya sa showbiz ay hindi na raw pantay ang kulay ng kanyang braso, kaya kailangan daw niyang imake up ng patago ito para magpantay ang kulay at napapansin narin umano ito ng kanyang direktor.
Ramdam na ramdam din umano niya na ang gaganda ng kanyang mga kasamahan at sinabi niya pa na parang kuko daw nila siya.