Kim Chiu sa sampal ni Maricel Soriano: "Sobra po akong natigalgal." [Photos:officialmaricelsoriano/chinitaprincess: Instagram] |
Iyan ang hirit ni Kim Chiu matapos siyang masampal ng nag-iisang diamond star na si Maricel Soriano para sa kanilang digital series na Linlang na mapapanood sa Prime Video.
"Yung sampal, e, medyo hardcore, Sobra po akong natigalgal. Siyempre, 'di ba, pangarap ng isang artista na masampal niya?. Ano ‘yon, bucket list, checked. " natatawang kwento ni Kim sa naganap na Linlang media conference
Nagpapasalamat din si Kim na nakatrabaho niya si Maricel.
"Pero, sobra akong nagpapasalamat na naka-trabaho ko si Inay. Habang ginagawa ko ang eksena, kinakabahan ako. Habang pinapanood ko ang eksena na ‘yon, mas kinabahan ako, para sa role ni Juliana. So, ang galing. Ang galing lang maka-trabaho ang isang Maricel Soriano na ang tagal-taal na sa industriya pero sobrang down-to-earth, accommodating sa mga artistang katulad namin,”sabi ni Kim
Si Kim Chiu ay isang kilalang bituin sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak noong April 19, 1990, sa Cebu City, nag-umpisa ang kanyang karera bilang housemate sa Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006. Sa mga panahong iyon, naging bahagi siya ng "PBB Teens" at mabilis na nakilala sa kanyang natural na kagandahan at kahusayan sa akting.
Mula noon, patuloy na sumiklab ang kanyang karera sa telebisyon at pelikula. Nakilala siya sa mga proyektong tulad ng "My Girl," "Ina, Kapatid, Anak," at "The Ghost Bride." Dahil sa kanyang talento at dedikasyon, naging isa siya sa mga pinaka-sikat na aktres sa bansa. Bukod sa pag-arte, aktibo rin si Kim sa mga charity works at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa kanyang mga tagahanga. Si Kim Chiu ay tunay na isang bituin na patuloy na namumutawi sa entablado at layarang Pilipino.