Usap-usapan ngayon sa social media ang video kung saan kinanta ni Vice Ganda ang Narda ng bandang Kamikazee sa Sorsogon.
Photo Courtesy on Tiktok : its_matthew102.3 |
Sa video ay unang kinanta ni Vice ang sikat na kanta ni Taylor Swift na Romeo and Juliet. Ngunit pagdating na sa chorus ng kanta ay iniiba niya ay chorus ng Narda ang kanyang kinanta.
(ads)
Kaya naman nagulantang ang ilang manonood ngunit game na game parin itong nakisabay sa pagkanta ng komedyante.
Matatandaan na pinalayas noong October 1 ni Gov. Boboy Hamor sa Sorsogon at hindi pinakanta sa Kasanggayahan Festival sa Casiguran ang Kamikazee dahil sa umano'y paga-attitude ng mga miyembro nito.
@its_matthew102.3 Replying to @Don and Chie Diaz 🌸🌷 ayoko na HAHAHAHAHA #viceganda #vicegandaconcert2023 #vicegandainsorsogon ##narda #kamikazee #lovestorytaylorswift #sorsogon #sorsogonprovince #kasanggayahanfestival2023 ♬ original sound - brownPodd
Si Vice Ganda, o Jose Marie Borja Viceral sa tunay na buhay, ay isa sa mga kilalang komedyante at host sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Nag-umpisa ang kanyang karera sa comedy bars at stand-up comedy shows sa mga malalaking lungsod noong dekada 2000. Sa tulong ng kanyang kakaibang humor at charisma, nagtagumpay siya bilang isang komedyante at naging regular host sa "Showtime," isang popular na noontime show.
Mula noon, naging malaking bahagi si Vice Ganda ng Philippine entertainment industry. Sumiklab ang kanyang popularity bilang bida sa mga blockbuster films tulad ng "Praybeyt Benjamin" at "Fantastica." Isa rin siya sa mga pinaka-in demand na host at performer sa mga live events at concerts.