Nagreact na rin sa wakas ang singer na si Sarah Geronimo kaugnay sa nagsilabasang spekulasyon na umanoy siya ay buntis.
Photo Source: PEP TV YouTube |
Sa panayam ng PEP kay Sarah kasama ang asawa niyang si Matteo ay natanong sa kanila kung ano ang dahilan kung bakit na-cancel ang show niya sa Pampanga kasama si Bamboo
(ads)
"Medyo ano kase, medyo nagkulang lang po ng preparation vocally and physically so medyo it took a toll sa vocal cords...Kase 'pag kasama mo talaga si Bamboo, all out ka talaga eh. But, ano naman po, recovered,” kwento ni Sarah
Nang tanungin siya ng interview na :"Sabi nga daw ng doctor, vocal rest lang yung kinailangan mo. Marami kase nag-speculate na buntis,"
(ads)
Sagot ng mag-asawa "Ahh. Sana, sana,"
Tanong ulit ng interviewer kay Sarah "Physically, mentally, ready ka na to be a mom?"
"Grabe naman po kayo pwede bang sa ibang pagkakataon na lang pag-usapan 'yan? Medyo ano po, ano yan eh, importante nga po 'yan. I watched Yeng's interview, sobra po ako naka-relate," sabi ni Sarah