Vice Ganda pinayuhan umano na hiwalayan si Ion ayon kay Cristy Fermin


Pinayuhan umano ang TV host na si Vice Ganda na hiwalayan ang asawa niyang si Ion Perez ayon kay Cristy Fermin.

Photo Courtesy: Showbiz Now Na (Youtube)/Ion Perez(Instagram) Vice Ganda(Instagram)

Kwento ni Fermin sa kanyang youtube show na Showbiz Now Na, na  marami umano ang nakakapansin sa hindi umano kagandahang nangyayari sa buhay ni Vice simula nang maging karelasyon si Ion, kabilang ang suspensyon ng "It's Showtime" at ang paghina ng mga pelikula niya sa takilya.


(ads)


"Meron tuloy nagsasabi ngayon na, 'Vice, hiwalayan mo na si Ion. Hindi mo ba napansin mula nang naging kayo, ang dami ng senaryo sa buhay mo na hindi kagandahan. Lagi ka nang nagiging target ng mga intriga. Lagi kang sumasabit. Baka mukhang hindi magandang ano sa'yo si Ion'," kwento ni Fermin 


Ngunit ayon kay Fermin, mukhang hindi raw magpapadala si Vice sa mga sabi-sabi ng ibang tao. "Pero kung kilala natin si Vice Ganda, hindi niya bibitiwan si Ion. At para naman sa akin, bakit ka nga naman padadala sa sulsol at sa mga bulong kung ang kaligayahan mo talaga ay si Ion Perez? Maibibigay ba ng iba ang kaligayahan ibinibigay ni Ion?" 

Si Vice Ganda, isang kilalang komedyante, TV host, at aktor, ay nagsimula ang kanyang career sa kalakaran ng showbiz sa Pilipinas noong dekada 2000. Siya'y unang naging kilala bilang isang stand-up comedian sa mga comedy bars at clubs. Matapos ito, sumiklab ang kanyang magandang career sa telebisyon bilang isa sa mga host ng "Showtime" noong 2009, kung saan siya ay naging kilala sa kanyang witty at puno ng kalokohan na personality. Bukod sa hosting, sumiklab din ang kanyang karera sa pag-arte at naging bahagi ng mga box-office hit na pelikula tulad ng "Praybeyt Benjamin." Sa kasalukuyan, patuloy na nagbibigay-kasiyahan si Vice Ganda sa mga manonood sa kanyang mga programa, pelikula, at live performances.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form