Photos: Sharon Cuneta/Instagram |
Mabilis na nagviral sa social media ang video kung saan na-ihagis ni Ogie Alcasid ang silya dahil sa sagot ng dating mag-asawang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa kanyang tanong kung mahal pa raw ba nila ang isat-isa.
$ads={1}
Naganap ito sa concert nina Gabby at Sharon na "Dear Heart" kung saan nagkaroon ng tila isang interview portion. Sa naturang interview ay tinanong ni Ogie ang dating mag-asawa na "Mahal niyo paba ang isat-isa?" Dagdag pa ni Ogie na kung "Yes" ang kanilang isasagot ay tatayo sila.
Ipinaliwanag naman ni Sharon na hindi raw ganoon dapat dahil ibang level's na pagdating sa pag-ibig. Ngunit habang nagsasalita si Sharon ay tumayo si Gabby at naghiyawan ang mga nanonood ng kanilang concert.
Kaya naman tumatayo rin si Ogie at itinapon nito ang kanyang upuan. Narito ang video: