Photo Screengrab from: The Homans/Youtube |
Ibinahagi ng actress na si Angelica Panganiban ang pakikipaglaban niya sa kanyang sakit na avascular necrosis. Based on wikipedia, Avascular necrosis (AVN), also called osteonecrosis or bone infarction, is death of bone tissue due to interruption of the blood supply.
$ads={1}
Ayon kay Angelica sa isang youtube video, nakapansin umano siya ng sakit sa kanyang hips noong pinagbubuntis niya ang kanyang unang anak na si Amila Sabine Homan.
"Six months into pregnancy, meron na akong mga nararamdamang sakit sa may hips,Hindi ko actually ma-pinpoint noon kung sa hips, sa leg, sa likod or sa puwitan. Yun yung mga struggles ko noon."Nagtanong-tanong ako sa mga doktor and friends ko na naging mommy na rin, and lahat naman sila sinasabi na it’s part of pregnancy. So nung nanganak ako, wala rin talaga akong time na pansinin kung ano ba talaga yung mga masakit sa katawan ko."kwento ni Angelica
$ads={2}
Kwento pa ni Angelcica, umabot raw sa punto na hindi na siya makalakad kaya dinala raw siya ng kanyang partner na si Greg Homan sa ospital para matingnan ng specialista sa buto. At doon daw ay inenjectionan siya ng Platelet-rich plasma (PRP) at inilarawan niya itong napakasakit na procedure.
"Namatay na yung mga bones ko sa balakang. Kaya pala hirap na ako maglakad. Nung una, ang sabi sa akin ay surgery, parang joint replacement na parang nakakatakot pakingan. So naghanap ako ng doctor na magkakaron ng conservative approach. So bumalik kami sa pag-saksak ng PRP sa hips ko. This time, nag-drill sila ng hole. In-inject nila yung PRP directly doon sa dead bone. Di ko inakala masakit siya, tulo nang tulo yung luha ko."kwento ni Angelica
Naibahagi rin ng actress ang kanyang naramdaman matapos siyang magkaroon ng ganoong sakit: "Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko na, 'Bakit ako, bakit sa akin nangyari ito?'
Narito ang video: