Naglabas ng kanyang saloobin ang Linlang star na si Kaila Estrada kaugnay sa pambabatikos na natanggap ngayon ni Anji Salvacion hinggil sa kanyang performance sa hit digital series na Linlang na mapapanood sa prime video.
$ads={1}
Nakarating kasi sa Linlang star ang bashing na tinamo ngayon kina anji at Kice. Kaya naman sa panayam ng pep.ph sa actress ay naki-usap siya na huwag naman daw ganun ka-harsh ang mga sinasabi ng ilan laban kay Anji.
"I understand that criticism is part of it, di ba? I mean, we welcome it, kasi we learn from the criticism that we receive. But I think, some people may have taken it too far. And I really hope that you know, we can just be kinder and nicer, and more responsible in what we say online. Kasi siyempre, hindi naman natin alam yung magiging effect nun sa kanya. I hope people can be nicer," sabi ni Anji
Si Kaila Estrada na may tunay na pangalan na Mikaela Ariana De Belen Estrada ay anak ng dating couple na sina Janice De Belen at John Estrada. Siya ay ipinanganak noong March 16, 1996. Kamakailan lang ay nagtrending ang eksena ni Kaila kasama si Kim Chiu sa Linlang na kung saan hinangaan ang kanyang galing sa pag-arte.