Photos:chinitaprincess/instagram |
Nagbahagi na ng kanyang reaksyon ang Linlang star na si Kim Chiu hinggil sa mga hate message na kanyang natanggap dahil sa role niya bilang "Juliana" sa hit digital series na Linlang na mapapanood sa prime video.
$ads={1}
Base sa video na ibinahagi ng Bandera, inihayag ng actress na ito umano yung hate na kanyang gusto dahil nabigyan umano niya ng buhay ang role niya bilang "Juliana" sa nasabing hit series.
"Yung hate that I love. Yung hate messages that I love. Kasi naman syempre sa career ko, sa social media platform, hindi naman malabo na naba-bash ka eh. Lalo na nung 2020...Ayaw ko talaga yun. Ngayon pwede na akong lumabas, so ngayon, eto na yung pinakagusto ko..." kwento ni Kim
$ads={2}
"Masaya talaga ako dito sa kind of hate na natatanggap ko. Nagpapasalamat ako sa mga director ko dahil pinapaulit nila sa akin kapag kumi-Kim Chiu levels...Ang tiyaga-tiyaga nila sa akin para maging si Juliana ako..." dagdag pa niya