Photos screengrab from: Morly Alinio (ITO ANG TONDO)/Youtube |
Pumanaw na ang singer-comedian na si Jograd dela Torre nito lamang November 15. Kinumpirma ito ng kanyang kapatid na si Arlene McCullough sa pamamagitan ng pagpost sa kanyang Facebook page.
$ads={1}
“Everyone, prayers and love for my brother (dela Torre) who joined with Papa Eddie, Mama Betty, Boy Antoy and Manong Bebot,”sabi ni Arlen sa kanyang facebook post
Hindi na idenetalye ng pamilya ni Jograd and sanhi ng kanyang pagpanaw.
Samantala sa interview ng entertainment writer na si Morly Alinio kay Jograd nito lamang July ay inilahad nitong nakaranas siya ng liver disease.
$ads={2}
“Minsan nga, parang sumusuko na ako dahil inom ako nang inom ng gamot, pero mas masarap mabuhay e kaya gusto ko gumaling,”kwento ni Jograd
Si Jograd dela Torre ay kilala sa pagiging co-host niya sa musical variety show na “Superstar” kasama ang National Artist na si Nora Aunor at ang yumaong si German “Kuya Germs” Moreno. Bumida rin si Jograd sa 1986 film na “Okleng Tokleng”