Vice Ganda di mapigilang maiyak na ibinahagi kung paano sinasaktan si Ion araw-araw sa social media

 

Photos: Showtime Online U/Youtube

Di mapigilang maiyak ni Vice Ganda na ikinuwento kung paano sinasaktan araw-araw sa social media ng mga basher ang asawa niyang si Ion Perez. Nangyari ito sa naganap na Magpasikat 2023 performance nina Ion, Kim Chiu at Jhong Hilario.

$ads={1}

"Kasi syempre araw-araw kasama ko yan, di ba? Alam ko kung gaano siya sinasaktan ng social media. Everyday he's being judged, kung anong, kung ano siya, saan siya galing, paano siya magsalita, ano lang nakikita sa kanya, yung klase ng relasyon na meron siya, everyday he's being judged. " sabi ni Vice 

"Araw-araw lumalaban yan. Araw-araw nasasaktan. Basta hindi niyo alam kung ano epekto nito kay Ion, at sakin, hindi niyo alam. Ang alam niyo lang yung alam niyo, ang nakita niyo lang yung nakita niyo. Hindi niyo talaga alam."sabi pa ni Vice habang naiiyak 

Kaya ayon kay Vice, araw-araw raw niyang kakampihan at mamahalin si Ion laban sa mga nanakit nito.

$ads={2}

"Kaya araw-araw. Di ba sabi ko sayo, mamahalin kita araw-araw. Kakampihan kita araw-araw. Ipagdarasal kita araw-araw. yayakapin kita araw-araw. Araw-araw sasamahan kita. Mahal na mahal ko yan. Proud na proud ako sayo." sabi ni Vice 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form