Photo Credits: ABSCBN Entertainment/ Youtube |
Nagviral ngayon sa social media ang naging mensahe ni Vice Ganda sa actress na si Kim Chiu sa gitna ng nagsilabasang tsismis tungkol sa lovelife ng actress.
$ads={1}
Sa isang episode kasi sa Its Showtime ngayong araw sa segment na "Expecially For You" ay napag-usapan nila ang tungkol sa dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawang contestant na minsan ng naging magjowa.
Ngunit napansin ni Vice na tila tahimik si Kim at biniro niya ito. Kasunod ng kanyang biro ay pinuri ni Vice ang actress ay sinabihan niyang itong maganda ang mukha at maganda rin ang puso kaya deserved raw nito na mahalin.
$ads={2}
“Maganda ka. Mabuti kang tao. Maganda ang mukha mo. Maganda ang puso mo. YOU DESERVED THE BEST. YOU DESERVED LOVE.” sabi ni Vice
Matatandaan na ngayong araw din ay tumindi ang tsismis na umanoy hiwalay na sina Kim at boyfriend niyang si Xian matapos burahin ni Xian ang mga video sa kanyang youtube kasama ang vlog nila ni Kim.