Photo Courtesy: @ianveneracion1/instagram |
Usap-usapan ngayon ang Facebook post ni Ronaldo C. Carballo isang direktor at scriptwriter patungkol sa actor na si Ian Veneracion.
$ads={1}
Sa nasabing post ay naglabas ng saloobin si Carballo, kaugnay sa umanoy talent fee ni Ian kapag may public appearance ito gaya ng mga fiesta sa mga probinsya. Ayon kay Carballo, mahal daw ang TF ng actor.
Narito ang kanyang buong post: “Requested sya, kaya kinukuha sya ng Tarlac Festival, to be held on Last Sunday of January, 2024. Sasakay sya sa float at ipaparada sya sa bayan ng Tarlac City. Kakaway-kaway lang sya. Ni hindi siya kakanta.
"₱500,000 kada dalawang oras daw ang TF ni Ian, at kung lalagpas dito, ay may dagdag na ₱100,000, ayon daw RM o road manager ng aktor.
$ads={2}
“Sabi raw ng Road Manager ni Ian, “500K si Ian in two hours sa parade at pag lumagpas ng two hours, may 100k additional per hour. Kung may mga kasamang ibang artista, dapat may sarili silang float.’ Dapat solo lang si Ian sa sarili nyang float at walang kasamang kung sinu-sino’, sabi pa raw ng Road Manager.”
"Siguraduhin mo din na may pangbayad ang mga Producer. 50 percent down payment upon contract signing. Bago sumampa si Ian sa float, dapat fully paid na sya", mahigpit pang bilin ng RM.
"Walang problema sa bayad. Matagal ko nang client sila at kung sinu-sino nang nadala kong mga mas sikat pang artista sa Tarlac at wala kaming naging problema", sabi ng Talent coordinator.
So, ni-report ng Talent coordinator ang lahat ng sinabi ng RM sa mga pamunuan ng Tarlac Festival na silang magbabayad.
Okey naman daw ang 500k kahit sobrang mahal. Ang hindi nila nagustuhan ay yung, "Two hours lang si Ian at pag lumagpas may 100k additional per hour".
"Nakakatakot. Hindi namin masasabing matatapos ang parade ng two hours. Baka pag two hours na, dahil bayad na sya, bigla na lang syang bumaba ng float at iwanan lahat ng tao. Mahal din ang 100k additional fee per hour of stay"---sabi pa nila.
Binalikan ng Talent coordinator ang RM at sinabing umayaw na lang ang client.
"Natakot sila sa 2 hour rule at mahal na nga yung 500k talent fee nya, may time limit pa. Hanggang sa matapos lamang naman ang parada".
Binalikan daw ng RM ang Talent Coordinator at sinabing, "Sige na. Okey na. Payag na si Ian sa 500k at tatapusin nya ang parade hanggang matapos".
Pero sabi ng Talent coordinator, "Hindi bale na po. Kinukontak ko na po si Piolo Pascual as replacement ni Ian".
Sabi ko lang in this true story:
OA ang 500k for a parade kahit limang oras pa.Buti kung binabayaran si Ian ng kahit 200k per day taping/shooting magdamag, kung may Teleserye sya o may pelikula sya. Hetong 500k na hinihingi nya, kakaway-kaway lang sya sa parada.
Pero baka naman yung Road Manager lang ang nagdi-demand ng ganito, lalo yung dalawang oras lang ang 500k na TF nya, at hindi si Ian--sabi ko.
"Hindi. Si Ian talaga yun. Na-experience ko na rin si Ian noon. Talagang makwenta sya at nagbibilang talaga sya ng oras", sabi pa nung Talent coordinator.