Writer-direktor na nagreklamo sa TF ni Ian Veneracion, nagsorry na sa actor

 

Photo Courtesy: Ronaldo C. Carballo(Facebook)/@ianveneracion1(Instagram)

Humingi na ng paumanhin ang writer-direktor na si Ronald Carballo kay Ian Veneracion na maalalang nagviral ang kanyang post na kung nagreklamo siya sa umanoy mahal na Talent Fee ng actor.

$ads={1}

Napost niya kamakailan ang TF ng actor: "Requested sya, kaya kinukuha sya ng Tarlac Festival, to be held on Last Sunday of January, 2024. Sasakay sya sa float at ipaparada sya sa bayan ng Tarlac City. Kakaway-kaway lang sya.  Ni hindi sya kakanta. Sabi raw ng Road Manager ni Ian, "500K si Ian in two hours sa parade at pag lumagpas ng two hours, may 100k additional per hour". bahagi ng post ni Carballo 

Kahapon January 19 ay nagpost si Carballo na kung saan nagsorry siya kay Ian. Aniya hindi niya raw sinisiraan ang actor. 

"Di ko siniraan si Ian Veneracion. Mahal ko yun. "Joey & Sons" pa lang nung musmos pa sya nung 80s, tumulong na ko sa mga publicity nya. He was so nice to me, eversince. We are so nice to each other. I respect him as a good person; as an actor & as a concert performer, as well. Bilib na bilib ako sa talent nya, sa versatility nya. Hanggang sa pagpipinta nya as a true artist. Nung nagkita nga kami sa isang resto a year ago, nagbatian pa kami ng maganda. I even congratulated him sa lahat ng success nya." sabi ni Carballo sa kanyang post

$ads={2}

Aniya pa may permission umano siya to write and post: "Nagkwento lang ako, Jun, ng kwentong ikinuwento sa akin nang tutuo nilang naranasan sa initial transactions with Ian's Road Manager. Uulitin ko, I have my permission to write & post ang ikinuwento sa akin ng "private company" as Tarlac's Festival's talent provider."

At sa isang punto ng kanyang post ay nagsorry siya kay Ian:  "am so sorry to Ian. Sincerely, nagsu-sorry ako kung nailagay ko sya in a bad light. Kung nai-exposed ko ang dealings & demands ng kanyang RM na ikina-turn off ng "private company" at ng Tarlac Festival.

"Sana maunawaan ako ni Ian na since 80's pa na Entertainment Journalist pa lang ako at di pa ako award winning Screenwriter & Film Director, naging very much credible naman ako sa lahat nang isinusulat ko, kaya rin tumagal ako ng 43 years na ngayon sa Industriyang ito."sabi ni Carballo 

"With this truth, again, nagsu-sorry ako ng buong puso kay Ian kase nailagay ko sya sa alanganin. Sincerely, I regret that." sabi pa niya 

Nanindigan naman siya na umanoy totoo ang kanyang sinusulat: "But I will not retract what I have wrote. It's a true story na ikinuwento sa akin, eh. Credebility ko na as a writer na iningatan ko ng 43 years ang nakataya dito. Wala akong masamang intention." sabi niya 

Narito ang kanyang buong post: 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form