Photo Courtesy: ABSCBN News/Youtube |
Nilibre ng actress na si Anne Curtis ng ticket ang tatay ng isang Tawag ng Tanghalan Kids contestant na OFW pauwi dito sa Pilipinas.
$ads={1}
Naging emosyonal kasi ang contestant na si Princess habang kina-usap siya ni Anne at iba pang mga host dahil aniya gusto raw niya na maka-uwi na ang ama niyang OFW.
Dahil na-touch si Anne sa sinabi ng bata ay sinabihan niya ito na sasagutan na niya ang ticket ng kanyang ama pauwi dito sa Pilipinas na kasalukuyan ngayong nasa Dubai.
$ads={2}
Kaya naman laking tuwa ni Princess ng marinig ang pangako ng actress. Hindi naman mapigilang purihin si Anne ng kanyang mga co-host at tinawag pa siya ni Karylle na ""Dyosa ng mga OFW."