John Arcilla ibinahagi ang kanyang saloobin tungkol sa usaping "utang na loob" sa mga magulang

 

Photo Courtesy: @johnarcilla/instagram

Nagbahagi ng kanyang saloobin si John Arcilla tungkol sa usaping "utang na loob" ng mga anak sa mga magulang.

$ads={1}

Ayon kay John sa kanyang post sa Facebook nito lamang April 6,  hindi raw utang na loob o obligasyon ang pagtulong ng isang anak sa tumatanda nitong magulang ngunit “normal” at “natural duty” daw ito.

“‘Utang na loob’ and ‘Obligasyon’ are wrong words pag ang usapan ay mga MAGULANG na ating PINANGGALINGAN…Hindi naman talaga utang na loob o obligasyon ang Pagkupkop o pagtulong sa mga tumatandang magulang- dahil ito ay NORMAL at NATURAL na DUTY ng MGA ANAK,” aniya.

“Kasing NATURAL at NORMAL nung inaalagaan nila tayo nung maliit pa. Pinakain, dinamitan iginapang, at pinag aral. Tama naman na Responsibilidad yun ng mga magulang sa walang muwang na mga anak,” saad niya.

$ads={2}

Ayon pa kay John, isang responsibilidad umano ng isang anak na tulungan ang magulang na tumatanda na at wala ng kakayahang magtrabaho.

"Tayo bilang tao ay tagapag ALAGA at tagapag-taguyod ng mas mahina kaysa sa atin, maging hayop man ito o kapwa tao – e di lalo na pag magulang na natin ang mahina na at nangangailangan na ng tulong,” sabi ni John 

Narito ang kanyang buong post:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form