Anjo Yllana nagreact sa sinabi ni Sheryl na umanoy hindi natuloy ang kanilang kasal matapos siyang makabuntis ng ibang babae

 

Nagreact na ang actor na si Anjo Yllana sa sinabi ni Sheryl na umanoy hindi natuloy ang kanilang kasal matapos siyang makabuntis ng ibang babae.

$ads={1}

Matatandaan na ibinunyag ito ni Sheryl sa panayam sa kanya sa "Fast Talk" : "He asked for my hand in marriage, and I said yes. And then I found out na he got somebody pregnant, so kahit papaano 'di ba, he broke my heart,"sabi ni  Sheryl

Kaya naman sa panayam ng Philippine Entertainment Portal ay itinanggi ni Anjo ang sinabi ni Sheryl na nakabuntis siya ng ibang babae. Nabuntis umano niya ang kanyang girlfriend ngunit hiwalay na sila noon ni Sheryl.

$ads={2}

“Wala na kami noong nakipag-cool off ako sa kanya, pero hindi ko alam kung nagpunta siya sa Amerika. Basta ang alam ko, nung meron akong bagong girlfriend, wala na kami ni Sheryl. Hindi ko alam kung nagpunta siya sa States dahil masama ang loob niya dahil nga may girlfriend na ako." sabi ni Anjo 

“Ang problema ko noon, nabuntis ko ang girlfriend ko, pero break na kami ni Sheryl. Siguro akala niya, nung nag-cool off kami dahil nakabuntis ako. Siyempre, nakabuntis ako, pananagutan ko. At baka masakit sa kanya [Sheryl] yon."dagdag pa niya 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form