Photo Courtesy: Angelie Reposposa/Facebook |
Naglabas ng kanyang sama ng loob ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Lie Reposposa bilang isang bread winner ng kanyang pamilya dahil sa komento ng aniya'y isang Marites.
$ads={1}
Sinabi kasi ng naturang Marites na tulungan raw ni Lie ang kanyang mga magulang sa pagbayad ng bills kaysa nagpapasarap lang siya sa kanyang buhay.
"Hoy tilongan mo mama mo mag bayad sa mga utang nya at sa tubig n kuriynti wag pasarap Jan sa kwarto mo mag bigay ka Naman nang pagkain sa mga Kapatid mo tuyo at mantika lang ulam nila Ikaw pa makdo makdo at Jollibee kapa Kapatid mo at parents lawoy lang ulam nila Wala pang subak" sabi ng Marites
Kaya naman di na nakapagpigil si Lie at nagpost na siya ng sama ng bilang isang bread winner ng kanilang pamilya.
$ads={2}
Buong post ni Lie: "Gusto ko lang mag labas ng sama ng loob hindi ko alam kung tama or mali ba tong gagawin ko pero sobra na as a bread winner nakakapagod din noong una gusto ko lang naman tumulong hanggang sa naging obligation ko na lahat 1 lang ako pero 7 yong dapat bubuhayin ko ang masakit pa para sa akin tinulongan ko naman sila pero pag hindi ko nabigay ang gusto nila nagiging masama na ako kasalanan ko pa sariling mama ko pa mag chichismis sakin sa mga kumare niya syempre nasasaktan din ako
Dito sa marites nato na triggered talaga ako kaya diko tatakpan pangalan at mukha mo at gusto ko din malaman ng mga chismosa na ka marites ni mama na binilhan ko na sila ng farm this year dahil yan yong laging request nila sa akin yong kuryente at tubig ako na ang nagbabayad niyan lahat pero nagsinungaling sila sa akin yong pera na binigay ko na budget para sa kuryente at tubig in total of 12k hindi napunta dun yong pera kaya nag double ang bills pero sino nag bayad ako parin yong sa utang binayaran ko na yan lahat dati pero desisyon nila na bumalik ulit at sa mga groceries namin binibigyan ko din sila at hindi nman ako malakas kumain kaya napupunta lang din sa kanila yong jowa ko hindi sanay sa filipino food kaya siya nag oorder ng mga mcdo at jollibee
Sa pamilya ko may tampo lang ako pero alam ko namang maayos din namin to nag share lang din ako ng side ko dahil puro side ninyo ang naririnig ng mga ka marites na one sided puro chismis lang naman ang alam at di din naman tumulong sa pamilya ko ayaw ko sana umabot sa ganito pero mas naiintindihan niyo kasi ako kapag dito kasi di niyo naman ako pinapakinggan gusto niyo problema niyo lang iisipin ko pero may problema din ako pero sinasarili ko lang sana mafeel ko ulit na pamilya ko talaga kayo na tayo ang magtutulongan hindi nag sasakitan Godbless"