Photo Courtesy: @iamandalioloisa/instagram |
Usap-usapan ngayon sa social media ang naging pahayag ng actress nasi Loisa Andalio tungkol sa pagtatravel mag-isa.
$ads={1}
Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal ay inihayag ni Loisa na masaya magtravel pag kasama ang mahal sa buhay.
"Siyempre mas naa-appreciate natin yung napupuntahan natin pag mahal natin yung kasama natin. Basta ini-enjoy lang naman yung mga moments na magkakasama kami [ni Ronnie].Gumaganda rin yung view dahil sa kasama natin." sabi ni Loisa
$ads={2}
Inihayag din ni Loisa na parang ang lungkot raw at grabe ang pinagdaanan ng mga nagta-travel mag-isa.
"Minsan kasi, ang ano lang, hindi ko maintindihan yung mga tao na nagso-solo travel— parang ang lungkot. Kasi, sino yung kabatuhan mo na 'ang ganda ng view'? Grabe yung pinagdadaanan talaga siguro nila para gusto nilang magiging solo na lang."sabi niya