Photo Courtesry: ABSCBN,Ronaldo C. Carballo/Facebook |
Mainit na binanatan ng dating entertainment writer na si Ronaldo Carballo ang mga direktor ng Batang Quiapo na kung saan tinawag niya itong mga b.obo.
$ads={1}
Sa kanyang post sa facebook ay naglabas ng saloobin si Carballo tungkol sa naging storya ng Batang Quiapo.
Buong post niya: "Ang bobobo naman ng mga writers ng "Batang Quiapo". Sobrang nakakapikon na! Biro nyo, naka-posisyon sila dyan sa Primetime TV, tas ganyang ka-cheap ang trabaho nila.
"Kelan naman nagkaroon ng pakialam ang Barangay Chairman sa personal na buhay ng mga nasa lugar nya? Anong pakialam ng Chairman sa pambababae ni Rigor (John Estrada)? Nagpapaka-moralista pa! Sa dami ng residente, talagang wala syang tigil sa pagsi-single out sa pambababae ni Rigor.
$ads={2}
"Ilang ulit na ang ganung eksena nung Chairman, na akala mo kung sino syang pinangangaralan si Rigor. Na akala mo kung sino syang magaling na moralista! Na akala mo naman makakasira ang sa bulok nilang Barangay ang pambababae ni Rogor?! Pati lahat ng kapitbahay may pakialam sa mga pribadong buhay ng mga bawat karakter, lalo yung mga nasa bilyaran.
"Saan ba nag-training ng Scriptwriting itong mga gunggong na writers na ito? Very amateurist! Saan ba sila lumaki at anong upbringing nila? Kahit iskwakwak ang mga yan, may limitasyon ang pakikialam sa mga buhay ng kapitbahay. Hindi yung harap-harapan, nag-uusisa at lahat sila ay may say sa mga buhay-buhay ng characters. Walang katahimikan ang lahat ng mga characters sa buong serye, dahil sa pakikialam ng lahat sa isa't isa. Kahit hindi na nila dapat panghimasukan ang sitwasyon.
"Ang sarap buhusan ng kumukulong tubig ng mga b*bong writers na ito. Baka sakaling mahimasmasan at matuto silang magsulat. Mga buwisit! Iniinsulto ng mga writers na ito ang mga manonood na may utak at nag-iisip!"