Photos: ABSCBN Entertainment/Youtube |
Tapat na inamin ng actress na si Mercedes Cabral na nakatanggap siya ng mga hate comments dahil sa role niya sa Batang Quiapo bilang si Lena Cortez isang pulis na naging kabit ni Rigor Dimagiba na ginampanan ni John Estrada.
$ads={1}
“May mga tao na pine-personal na ako. Hindi na Lena, 'yung tawag sa 'kin or sinasabi, kung 'di Mercedes Cabral na, so ako na mismo tinitira. But mostly sa messages ito," aniya sa panayam ng ABSCBN News
May mga instances din umano na makita siya ng personal na talagang galit na galit sa kanya ang mga tao.
$ads={2}
"In person naman, 'pag may mga nakaka-recognize sa 'kin, they say things like 'gusto kita sampalin kasi kuhang-kuha mo yung inis ko pero ang galing mo.' So kapag nakakarinig ako ng mga ganong bagay, that is a huge compliment for me,” sabi niya
Kaya sabi niya: “Ibig sabihin, nagagawa ko ng maayos 'yung trabaho ko. Nagagawa ko ng maayos 'yung assigned character sa akin."
Aminado naman siya na minsan ay apektado siya sa mga negatibong komento laban sa kanya.
“As an actor, it's your job to give life to a character in a story. At kailangan 'yung mga characters na tulad ni Lena sa istorya. Sila kasi nagbibigay ng conflict sa story e,”sabi niya
Dagdag pa ng actress: “Although sometimes, naapektuhan ako sa mga sinasabi ng tao, siyempre tao lang din naman ako, iniisip ko na lang na ang importante nagagawa ko ng maayos trabaho ko."