Nagbahagi ng update sa kanyang kalusugan ang dating actress na si Kris Aquino sa pamamagitan ng kanyang kaibigan ng si Dindo Balares.
$ads={1}
Ibinahagi ito ni Balares sa kanyang post sa Facebook nito lamang February 6. Narito ang kwento ni Dindo sa kanyang post:
"GAINING STRENGTH
Maraming followers si Kris Aquino na naghihintay ng kanyang latest photos. Heto na po.
Kuha at ipinadala niya sa akin ang left photo last January 25.
$ads={2}
"Allergens still in my body," kuwento niya.
"Praying hard na ma-flush out na lahat, Krisy," sabi ko. May pagbabago akong napansin, na agad kong sinabi. "You're glowing!!!"
"I just don’t have wrinkles, Kuya Dindo," reply niya.
Last Sunday, habang nasa Pacita Mansion ako sa Vigan kasama ang media friends, ipinadala naman niya ang photo na nasa kanan.
In between the said dates, lagi siyang may struggles sa kalusugan, at iniiyakan ang kanyang severe body pains.
Ang labis kong hinahangaan kay Kris, ang kanyang faith na hindi natitinag.
Last Tuesday, ito ang kanyang message:
"Kuya Dindo i lost my balance sa bathroom- tumama my elbow and knee. Parang biglang nanghina my left knee so i hit the marble wall.
"Praise God when i shouted Bimb, he jumped from the bed and daig nya ang action stars kasi sya less than 5 seconds from when i shouted he was there- na prevent nya my head slamming into the marble wall. Bimb is my hero.
"Pangit my (latest) blood test results.😔 More prayers."
Mahaba pa, pero tuloy ang laban!
Ilang weeks nang laging mahaba at masarap ang kanyang tulog. Unti-unti nang nababawi ang kanyang lakas. Pero dapat pa ring maghinay-hinay, lalo na sa paglalakad na walang nakaalalay.
Lagi't lagi, walang hanggang pasasalamat po sa mga nangungumusta at nagdarasal para sa tuluyang paggaling ni Krisy."